Sinabi kahapon, Martes, ika-22 ng Nobyembre 2016, sa Beijing, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi nagbago at hindi ring magbabago ang soberanya at hurisdiksyon ng Tsina sa Huangyan Island.
Winika ito ni Geng, kaugnay ng ulat hinggil sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na ideklara ang lagoon ng Huangyan Island bilang maritime sanctuary, at ipagbawal ang pangingisda sa lugar na ito.
Sinabi ni Geng, na narating na ng panig Tsino at Pilipino ang komong palagay hinggil sa pagpapanumbalik ng diyalogo at pagsasanggunian sa isyu ng South China Sea, at ginawa rin ng panig Tsino ang angkop na pag-aayus-ayos para makapangisda ang mga Pilipino sa karagatang malapit sa Huangyan Island. Ipinahayag niya ang pag-asang palalakasin ng Tsina at Pilipinas ang diyalogo at kooperasyon, para ang isyu ng South China Sea ay maging positibong elementong magpapasulong sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai