Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na matagumpay ang katatapos na biyahe ni Pangulong Xi Jinping sa Ecuador, Peru, at Chile.
Sinabi ni Wang, na sa kanyang pagdalaw sa naturang 3 bansa, narating ni Pangulong Xi at kanyang mga counterpart, ang mahahalagang komong palagay hinggil sa pagpapatibay ng pagkakaibigan, pagpapasulong ng pagtitiwalaan, at pagpapalawak ng pagtutulungan. Dagdag niya, ang biyaheng ito sa naturang 3 bansang Latin-Amerikano ay makakabuti sa relasyon at kooperasyon, hindi lamang ng Tsina at mga bansang ito, kundi rin ng Tsina at buong Latin-Amerika.
Sinabi rin ni Wang, na sa kanyang pagdalo sa mga pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Peru, iniharap ni pangulong Xi ang mga mahalagang paninindigan at mungkahi. Ito aniya ay nagpakita ng hangarin ng Tsina na magbigay ng bagong ambag para sa pagsulong ng kooperasyon ng Asya-Pasipiko at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai