Ipinatalastas kamakailan ng New Development Bank (NDB) ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), ang pag-aaproba sa pagkakaloob ng 2 bilyong yuan RMB na pautang sa proyekto ng wind power plant sa Tsina at 350 milyong dolyares na pautang sa proyekto ng konstruksyon ng lansangan sa Indya.
Ayon kay Kundapur Vaman Kamath, Gobernador ng naturang bangko, pagkaraan ng naturang dalawang bagong proyekto, inaprobahan sa loob ng taong ito ng NDB ang 7 proyekto, at lumampas sa 1.5 bilyong dolyares ang kabuuang laang-gugulin. Samantala, ang mga pautang ng NDB ay sumasaklaw sa lahat ng mga kasaping bansa nito.
Salin: Liu Kai