Idinaos ngayong araw, Linggo, ika-4 ng Disyembre 2016, sa Beijing ang isang pandaigdig na symposium bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagpapatibay ng Declaration on the Right to Development.
Sa kanyang mensaheng pambati sa symposium, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pag-unlad ay palagiang tema ng komunidad ng sangkatauhan. Umaasa aniya siyang batay sa United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, buong lakas na magsisikap ang komunidad ng daigdig, para isakatuparan ang komong pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Sinabi rin ni Xi, na nagsisikap ang pamahalaang Tsino, para isakatuparan ang mas maligayang pamumuhay ng mga mamamayan, mas mabuting igarantiya ang kani-kanilang mga karapatan, at magbigay ng mas malaking ambag sa pag-unlad ng sangkatauhan.
Sa paanyaya ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado at Minstring Panlabas ng Tsina, lumahok sa naturang symposium ang mahigit 100 dalubhasa sa karapatang pantao mula sa 40 bansa ng daigdig. Tinalakay nila ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng daigdig, at mga kinakaharap na hamon.
Salin: Liu Kai