Sa pulong ng International Labour Organization (ILO) na idinaraos sa Bali, Indonesya, nanawagan kahapon, Miyerkules, ika-7 ng Disyembre 2016, sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, si Guy Ryder, Direktor Heneral ng ILO, na isagawa ang mga mabisang hakbangin, para ibayo pang bawasan ang kahirapan, at lumikha ng mas maraming disenteng trabaho.
Sinabi ni Ryder, na bagama't natamo ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ang napakalaking tagumpay sa pagbabawas ng kahirapan, sangkasampu pa rin ang populasyon sa rehiyong ito na nasa labis na kahirapan, at walang hanapbuhay ang sangkawalo ng mga kabataan. Dapat aniya lutasin ang mga isyung ito, para isakatuparan ang mga target ng sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai