Nagpadala Disyembre 8, 2016 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, bilang pakikiramay sa malakas na lindol na naganap kamakailan sa bansang ito.
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang kanyang pakikiramay, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, sa mga biktima na apektado ng nasabing lindol.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na bilang matalik na magkapitbansa, nakahanda ang Tsina na bigyan ang Indonesya ng kinakailangang makataong tulong. Nananalig aniya siyang tiyak na mapapagtagumpayan ng mga mamamayang Indonesian ang kapahamakan, sa ilalim ng pamumuno ng pangulo at pamahalaan ng Indonesya para makabalik sa lupang tinubuan, sa lalong madaling panahon.