Iniabuloy kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Disyembre 2016, ng Konsulada ng Tsina sa Laoag, Iloocs Norte, ang 10 toneladang binhi ng hybrid rice sa mga magsasaka sa lokalidad, na apektado ng bagyong Lawin noong nagdaang Oktubre ng taong ito.
Ipapamahagi ang naturang mga binhi sa 670 pamilya ng magsasaka sa Ilocos Norte. Pagkatapos, magbibigay din ang mga dalubhasa mula sa Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT) ng pagsasanay sa mga magsasaka kaugnay ng pagtatanim.
Naganap ang bagyong Lawin sa panahon ng anihan. Sa Ilocos Norte, nasalanta ang maraming palay na hindi pa inaani, at halos walang ani ang mga magsasaka sa lokalidad.
Salin: Liu Kai