Idinaos kahapon, Lunes, ika-19 ng Disyembre 2016, sa Islamabad, Pakistan, ang launching ceremony ng local transmission ng FM98 Dosti Channel, isang radio channel na magkasamang pinatatakbo ng China Radio International (CRI) at Pakistan Broadcasting Corporation (PBC).
Ang FM98 Dosti Channel ay naisaoperasyon noong Abril, 2015. Sa kasalukuyan, nagsasahimpapawid ito ng 18 oras bawat araw, at kabilang dito, 6 na oras ang local transmission.
Lumahok sa naturang seremonya ang mahigit 100 paunahin ng Tsina at Pakistan, na kinabibilangan nina Zhao Lijian, Embahador ng Tsina sa Pakistan, Hu Bangsheng, Pangalawang Direktor-Heneral ng CRI, Khurshid Ahmed Malik, Direktor-Heneral ng Radio Pakistan, at iba pa.
Salin: Liu Kai