Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maligayang Bati sa Ika-75 Kaarawan ng CRI

(GMT+08:00) 2016-12-03 15:12:43       CRI

Pangalan: Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI)

Araw ng pagsilang: Disyembre 3, 1941

Katangian: Nagsasahimpapawid sa animnapu't limang (65) wika, tanging internasyonal na pambansang radyo ng Tsina

Tungkulin: Pag-uugnay ng Tsina at ibang bansa sa daigdig

Kuwento ng CRI

Sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), paulit-ulit na ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulo ng bansa, na dapat baguhin ang porma ng pagsasahimpapawid at pagpapakilala ng Tsina sa ibang bansa, mainam na ibahagi ang mga kuwentong Tsino, at mainam na palaganapin ang tinig ng Tsina. Bukod dito, dapat din aniyang palakasin ang konstruksyon ng kakayahan ng Tsina sa pandaigdigang pagsasahimpapawid, at palakasin ang karapatan sa pagsasalita sa daigdig.

Pahayag ng mga lider Tsino at dayuhan:

Sa kanyang talumpati sa Tanzania, binanggit ni Pangulong Xi ang Chinese TV series na "A Beautiful Daughter-in-law Era" na popular na popular sa nasabing bansa. Ito ang salin at gawa ng CRI, bagay na makapagbahagi ng buhay ng mga ordinaryong pamilyang Tsino sa mga tagapagtangkilik na Tanzanian.

Binigyang-puri ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mga aktibidad. "Marami kamakailan ang pagbabalita tungkol sa "China-Russia Friendship: China Tour, at araw-araw kong nakita ang mga kaukulang impormasyon … …", sabi niya.

Ginawaran ng Presidential Special Medal of Honor ni Pangulong Rosen Plevnaliyev ng Bulgaria ang CRI.

Isang inskripsyon ang isinulat ni Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos at nagpadala ng mensaheng pambati para sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng CRI.

Naging saksi ang lider ng partido at bansa:

1、Noong Abril, 2015, magkasamang nangulo sina Pangulong Xi Jinping at Punong Ministro Mian Muhammad Nawaz Sharif ng Pakitan sa seremonyang pampasinaya ng CRI program production studio sa Islamabad.

2、Noong Mayo, 2015, magkasamang sinaksihan nina Pangulong Xi at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang paglagda ng CRI at Russian Newspaper sa kasunduang pangkooperasyon.

3、Noong Hunyo, 2016, magkakasamang sinaksihan nina Pangulong Xi, Pangulong Tomislav Nikoli at Punong Ministro Aleksandar Vučić ng Serbia ang paglagda ng CRI at Pambansang Istasyon ng Radyo at Telebisyon ng Serbia sa kasunduang pangkooperasyon.

4、Noong Hulyo, 2016, magkasamang sinaksihan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Jargaltulgyn Erdenebat ng Mongolia ang paglagda ng CRI at Voice of Mongolia sa kasunduang pangkooperasyon.

5、Noong Oktubre, 2016, magkasamang sinaksihan nina Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentraln ng CPC, at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral, at Miyeegombo Enkhbold, Presidente ng Mongolian People's Party, ang paglagda ng CRI at Mongolian Yucai Middle School sa kasunduang pangkooperasyon.

6、Noong Hulyo, 2016, magkakasamang dumalo sina Liu Qibao, Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC, Jiang Jianguo, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, at Presidente Wang Gengnian ng CRI, sa ribbon-cutting ceremony ng pag-iisyu ng magasing gawa ng CRI sa lokalidad ng Portugal.

Bakas ng kahapon

Sa "Seminar hinggil sa Praktis ng International Communication nitong Sampung Taong Nakalipas," binalik-tanaw ni Presidente Wang Gengnian ng CRI ang natamong tagumpay at pag-unlad ng CRI nitong ilang taong nakalipas.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga porma ng pagpapalaganap ng CRI ay radyo, telebisyon, magasin, internet, mobile new media, at iba pa. Nakakatanggap ito taun-taon, ng halos 48 milyong liham at feedback mula mga tagasubaybay sa iba't-ibang sulok ng daigdig. Lampas din sa 170 milyon ang mga gumagamit ng internet at new media nito.

Alokasyon sa buong mundo

1、Gawing pangunahing direksyon ang pakikipagtulungan sa ibayong dagat

Sa kasalukuyan, may 130 overseas cooperation radios at mahigit 160 overseas cooperation frequencies ang CRI na natatagpuan sa mga capital o pangunahing lunsod ng mahigit 50 bansa. Sa mga lugar tulad ng Bangkok ng Thailand, Katmandu ng Nepal, Phnom Penh ng Cambodia, Finland, at Botswana, matatagpuan ang halos 20 overseas cooperation radios na kabilang sa hanay ng mga pangunahing lokal na media.

2、Kasalukuyang pokus ng gawain

Kasalukuyang pinabibilis ang limang (5) all-media national projects sa Turkey, Thailand, Myanmar, Portugal, at Timog Aprika upang matamo ang ibayong breakthrough.

Pagsasaayos ng kayarian ng international communication

Sa kasalukuyan, ang CRI ay nagtataglay ng 33 correspondent station (kabilang ang Hong Kong at Macao), 8 istasyong rehiyonal, 29 na program production studio, 14 na broadcast Confucius class, at 4,112 listener's club.

Pagpapalaganap sa paraang lokal

Organong lokal, tauhang lokal, pagbabalitang lokal, operasyong lokal, at paglikha ng lokal na media.

1、Pagbabalita ng mahahalagang pangyayari sa pormang lokal

Sa panahon ng pagdalo noong 2015 ni Pangulong Xi sa Ika-10 G20 Summit sa Turkey, sa pamamagitan ng mga cooperation media, isinahimpapawid ng CRI ang 6 na kaukulan at espesyal na programa.

Sa taong kasalukuyan, sa panahon ng state visit ni Pangulong Xi sa Iran, isinahimpapawid ng CRI ang documentary series na gawa nito, sa 8 tsanel ng Iranian National Television Station. Pinanood ito ng mahigit 60 milyong mamamayang Iranian.

2、Pagsasalokalidad ng mga cooperation radios

Matagumpay na halimbawa: FM station sa Vientiane, Laos

Noong 2009, sa kanyang panayam sa mamamahayag ng CRI, sinabi ni Choummaly Sayasone, dating Pangulong Lao, na itinuturing ng kanyang bansa ang CRI bilang bahagi ng media ng Laos. Nagustuhan aniya ng kanyang anak na babae ang mga programa ng CRI FM station sa Vientiane.

3、Pagsasalokalidad ng mga overseas program production studios

Sa kasalukuyan, mayroong 29 na overseas program production studios ang CRI sa mga malaking lunsod na gaya ng Istanbul ng Turkey, Vientiane ng Laos, Phnom Penh ng Cambodia, at Paris ng Pransya. Mahigit 400 empleyadong lokal ang ginagamit na katumbas ng halos 95% ng kanilang buong working staff.

All-media development

1、Moderno, komprehensibo, at inobatibong media group

Ang CRI ay patuloy na nagiging moderno, komprehensibo, at inobatibong media group na may 5 pangunahing serbisyo, na kinabibilangan ng radio program, video program, online service, press media, at paggawa ng overseas version ng mga pelikula at dramang teleserye na Tsino.

2、Ang radio media ng CRI ay binubuo ng mga radio service sa ibang bansa, mga radio station sa purok-hanggahan, at radio network sa loob ng Tsina na gaya ng CRI News Radio, CRI EZFM, at CRI HIT FM.

Ang video media ng CRI ay binubuo ng 3 digital pay channel: Super Channel, Global Home Shopping, at China Communication Television Broadcasting Network.

Ang CRI Online ay ang online service ng CRI. Mayroon itong 61 website sa wikang Tsino at mga wikang dayuhan, na sumasaklaw sa mahigit 180 bansa at rehiyon ng daigdig. Ang china.com naman ay commercial online service na pinatatakbo ng CRI. Mayroon itong 25 website sa wikang Tsino at mga wikang dayuhan, at mobile app sa 6 na wika.

Tatlumpu't isa (35) ang mga babasahin ng CRI sa ibayong dagat. Ang kabuuang bolyum ng paglalathala ng mga ito ay 7.35 milyon.

Nagawa rin ng CRI ang overseas version ng mahigit 160 pelikula at dramang teleserye na Tsino. Kabilang dito, umabot sa mahigit 5 libo ang kabuuang bilang ng mga episode ng mga TV drama.

3、Dalawampu't apat (24) ang mga mobile website sa ilalim ng CRI Online

Dalawampu't dalawa (22) ang mga mobile website sa ilalim ng china.com

Apatnapu't pito (47) ang mga mobile app sa 28 wika

Dalawandaa't dalawampu't walo (228) ang mga account ng CRI sa 43 wika sa mga social network site sa ibayong dagat. Samantalang mahigit 76 na milyon ang kabuuang bilang ng mga Likes.

4、Noong 2015, ginawa sa mga social media ang online live cast hinggil sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika. Nakakuha ito ng mahigit 10 milyong viewer.

Noong 2015, ginawa sa mga social media ang mga feature report hinggil sa mga pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika at Britanya. Nakakuha ang mga ito ng mahigit 22 milyong viewer sa Amerika at Britanya.

Noong taunang sesyon ng National People's Congress (NPC) at Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) sa 2016, ginawa ang mga news report sa multimedia platform. Umabot sa 80 milyon ang kabuuang bilang ng mga viewer at interaction.

Noong G20 Hangzhou Summit, ginawa ang mahigit 220 news report sa multimedia platform. Umabot sa 40 milyon ang kabuuang bilang ng mga viewer.

Ginawa ang mga documentary hinggil sa pamumuhay, pagtatrabaho, at paglalakbay ng mga dayuhan sa Tsina.

Konstruksyon ng mga tatak

1、Sa ilalim ng tatak na "China," ginawa ang iba't ibang media service, na gaya ng China News, China Radio, China TV, China browser, at iba pa.

Ipinalabas ng CRI News Radio ang "China News plus" mobile app. Umabot sa 42.5 milyon ang bilang ng mga follower ng CRI News Radio sa Sina Weibo.

Binuo ng CRI EZFM ang brand system ng "media, mga programa, mga host, offline activities, at mga may kinalamang produkto."

Pinauunlad ng CRI HIT FM ang kapwa radyo at webcast, at mga online at offline activity.

2、Sampung taong malalim na kooperasyon ng CRI at Russian media, sumasaklaw sa "Taon ng Turismo ng Tsina" noong 2013, pagtataguyod ng Ika-14 na Pulong ng mga Media sa Wikang Ruso noong 2014, pagpapalabas ng Russian version ng "Hello China" TV series, at pagtataguyod ng pagbisita ng mga Russian media sa Tsina noong 2016.

China-ASEAN Friendship Concert, taunang pagtitipun-tipon at palabas ng mga artista ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na sinimulan noong 2010

Sapul noong 2014, pagdaraos ng "Media Leaders Roundtable" sa sideline ng Boao Forum for Asia, at pagtatatag ng Asian Media Cooperation Organization

Sapul noong 2015, pagtataguyod ng pagbisita sa Xinjiang, Tsina, ng mga kilalang tauhan mula sa mga bansa sa kahabaan ng Silk Road

3、Paggawa ng mga overseas version ng "Hello China" TV series sa 36 na wikang dayuhan, at mga overseas version ng "Hello China" book series sa 17 wikang dayuhan

Pagtanggap ng babasahin ng Italian Service sa mga departamento at ahensiya ng pamahalaan ng Italya

Paglathala ng babasahin ng Albanian Service sa mga bansa ng Balkan

Paglathala ng mga babasahin ng Hausa Service

Paglathala ng Chinese version ng "Complete Works of Rabindranath Tagore"

Paggawa ng overseas version ng mga TV drama ng Tsina, na gaya ng "Beautiful Daughter-in-Law" sa wikang Kiswahili, "Jin Tailang's Happy Life" sa wika ng Myanmar, at "Romance of Our Parents" sa wikang Arabe.

Islogan ng CRI

Paninindigan ng Tsina, pananaw ng daigdig, at kalooban ng sangkatauhan

Ang taong 2016 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng China Radio International (CRI). Nagpapatuloy ang pag-unlad ng CRI tungo sa moderno, komprehensibo, at inobatibong international media group. Hindi kakalimutan ng CRI kung saan ito nagsimula, at patuloy na susulong sa tamang landas.

Maligaya ang ika-75 kaarawan ng CRI!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>