|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte mas manibniwala sa kasinungalinan ng mga pulis at kawal
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas paniniwalaan niya ang mga kasinungalinan ng mga pulis at kawal samantalang ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
Idinagdag nga lamang niya na ang mga nakasuhan at nararapat humarap sa paglilitis.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga kawal at pulis matapos ang isang torneo sa golf, sinabi niyang ang mga pulis sa Albuera ang kanyang paniniwalaan kahit pa hindi ito ang katotohanan. Maniniwala umano siya sa mga pulis at kawal sapagkat magkakasama sila sa pamahalaan sapagkat siya ang commander-in-chief.
Pinatutungkulan niya ang kaso ni Albuera Mayor Rolando Espinosa na pinatauy sa loob ng piitan.
Naunang sinabi ng mga pulis sa Leyte na nakipagbarilan si Espinosa sa mga pulis subalit sinabi ng National Bureau of Investigation na pinaslang ang punongbayan.
Kung lalabas sa imbestigasyon ng NBI na isang rubout ang naganap, mananagot ang mga pulis, dagdag pa ng pangulo. Kahit umano kakaiba ang lumabas sa pagsusuri ng NBI, hindi niya papayagang makulong ang mga pulis na sangkot sa pagpaslang.
Idinagdag naman niya na kahit ang kanyang mga kasapi sa law fraternity ay 'di niya pinatawad at kanyang sinibak.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |