|
||||||||
|
||
Tanyag na mang-aawit na si James Taylor, 'di na dadalaw sa Pilipinas
HINDI na makikita ng mga tagahanga si James Taylor na nakatakdang umawit sa Pilipinas sa susunod na taon dahil sa mga nagaganap na pagpatay sa bansa.
Sa kanyang pahayag sa kanyang official social media accounts at website, sinabi ng award-winning singer na ang mga nagaganap na drug-related killings sa Pilipinas ay nakababahala at 'di kailanman magiging katanggap-tanggap kaya't siya ay nanindigan.
Isang political stand umano ang kanyang ginawa. Nangako si Pangulong Duterte na lilinisin niya ang bansa at nanawagan sa mga mamamayan na patayin ang mga sangkot sa sindikato kung manlalaban.
Nakatakda sanang umawit si James Taylor sa Pilipinas sa darating na Pebrero. Kailangan umanong maghari ang batas at hindi ang kawalan nito.
Nalungkot ang mga tagahanga ni James Taylor sa desisyon ng tanyag na mang-aawit na huwag nang dumaan sa Pilipinas.
Ayon sa mga tagahanga ni Pangulong Duterte, si James Taylor ang mawawalan sapagkat ang kanyang mga fans lamang ang makikinabang sa pagdalaw sa Pilipinas samantalang sa pagpapatakbo ng pangulo ay pakikinabangan ng taongbayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |