Vice President Robredo, nabahala sa balak ni Pangulong Duterte
NABAHALA si Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Duterte na igagawad ang parusang kamatayan sa lima o anim katao bawat araw sa oras na maipasa ang pagbabalik ng parusang ito sa bansa.
Nabanggit na ni Pangulong Duterte na gagamitin niya ang pagpaparusa ng kamatayan sa mga taong sangkot sa droga.
Sinabi ng pangalawang pangulo na nakababahala ang balak na ito.
Nakababahala ngayon sapagkat higit sa 78% ng mga Filipino ang nangangambang maging biktima ng extrajudicial killings sa bansa. Wala umanong katiyakang mananatiling ligtas ang mga taong walang kinalaman sa ilegal na droga. Kabiguan para sa pamahalaan ang pananakot sa mga karaniwang mamamayan. Mas makabubuti umanong maglaan ng maayos na hanapbuhay ang pamahalaan at pagbibigay ng libreng edukasyon at pagpapagamot sa mga nagkakasakit, dagdag pa ni Gng. Robredo.
1 2 3 4 5