Pinagtibay kamakailan sa pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "Estratehiya sa Paggagalugad ng Gawing Kanluran ng Ika-13 Pambansang Panlimahang Plano ng Tsina."
Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang sa pulong, na bilang priyoridad sa pagtatatag ng maginhawang lipunan, ang ibayong paggagalugad sa gawing kanluran ay mababatay sa pinalalim na reporma, pagbubukas sa labas at inobasyon. Aniya pa, bilang kauna-unahang estratehiyang pangkaunlarang panrehiyon na binalangkas ng pamahalaang Tsino, noong taong 2000, ang paggagalugad sa gawing kanluran ay hindi lamang nagpapakitang pinahahalagahan ng pamahalaan ang pag-unlad ng rehiyong ito, kundi angkop din sa interes ng mga mamamayan nito.
Sa kasalukuyan, 11 malayang sonang pangkalakalan ang itinayo na sa buong bansa, at 3 sa mga ito ay nasa gawing kanluran.