Nitong Huwebes, Enero 19, 2017, natapos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang tatlong (3) araw na state visit sa Switzerland, pagdalo sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF), at pagbisita sa mga organisasyong pandaigdig sa Switzerland. Nagtamo ng mataas na papuri mula sa United Nation (UN), mga organisasyong pandaigdig, mga diplomata sa Geneva, at iba't-ibang sirkulo ng Switzerland ang nasabing biyahe.
Ipinahayag nitong Miyerkules, Enero 18, 2017, ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ipinakikita ng biyahe ni Xi ang paninindigan ng Tsina sa positibong pagpapasulong ng multilateralismo. Ang Tsina aniya ay mahalagang sandigan ng multilateralismo.
Binigyan din ng positibong papuri ni Houlin Zhao, Pangkalahatang Kalihim ng International Telecommunication Union (ITU), ang nasabing biyahe ng Pangulong Tsino. Tinukoy niyang sa kalagayan ng pagkakaroon ng di-matatag na elemento sa kapaligirang pandaigdig, nakakapagpasigla ng damdamin ang biyahe ni Pangulong Xi.
Ipinahayag din ni Thiam, Embahador ng Mali sa Geneva, na napakatagumpay ng biyahe ni Pangulong Xi.
Salin: Li Feng