ANG pamilya ang kadluan ng kabutihang asal at maayos na direksyon sa buhay. Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, ang executive secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs na panauhin sa idinaos na talakayan.
Ani Fr. Secillano, tulad rin ng bawat organisasyon, kahit sa mga pari ay nagkakaroon din ng kakaibang ugali. Hindi basta mababatid ang pinakadahilan ng pagpasok ng isang mamamayan sa serbisyo ng pamahalan tulad ng mga kawal at pulis at maging mga seminarisatang naging pari sa mga parokya.
Sa oras umanong salapi ang dahilan ng pagpasok sa seminaryo at mga paaralan para sa mga pulis at kawal, nawawala ang focus at nakakaligtaan ang pinakadahilan kung bakit sila nagdesisyon na magpakadalubhasa sa iba't ibang larangan.
Mahalaga ring isaisip ng bawat mamamayang maglilingkod sa iba't ibang larangan ang pamumuhay ng ayon sa kanilang kakayahan upang huwag nang mahulog sa mga paglabag sa batas.