Sa kanilang pag-usap sa telepono Sabado, Enero 28, 2017, buong pagkakaisang ipinahayag nina Pangulo Vladimir Putin ng Rusya at kanyang counterpart na si Donald Trump ng Amerika na buong sikap na maisasakatuparan ang katatagan at kaunlaran ng bilateral na relasyon ng dalawng bansa at makakasmang hahawakan ang mga isyung pandaigdig.
Ayon sa pahayag ng Moscow Kremlin, tinalakay ng mga pangulo ng dalawang bansa ang mga isyung pandaigdig na gaya ng paglaban sa terorismo, kalagayan ng Gitnang Silangan, isyung nuklear ng Iran at Korean Peninsula, at krisis ng Ukraine.
Sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagsasagawa ng kooperasyon sa nabanggit na mga isyu para magkasamang bigyang-dagok ang terorismo sa buong daidig.
Bukod dito, ipinasiya ng mga pangulo ng Rusya at Amerika na isasagawa ang talastasan sa lalong madaling panahon para mapanumbalik ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan.