|
||||||||
|
||
Manila — Pinasinayaan nitong Biyernes, Pebrero 24, 2017, ang "Porum na Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas" na magkasanib na itinaguyod ng Ministro ng Komersyo ng Tsina at Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas. Dumalo rito ang halos 300 kinatawan mula sa pamahalaan, organong pinansiyal, at bahay-kalakal ng dalawang bansa upang talakayin ang tungkol sa kung paanong mapapasulong ang kanilang bilateral na kooperasyon.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Ramon M.Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, na bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kasalukuyang taon, buong sikap na pasusulungin ng kanyang bansa ang proseso ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ipinahayag naman ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang Pilipinas ay tagasuporta ng "Belt and Road" Initiative, at sa darating na Mayo, pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina para dumalo sa Belt and Road Forum. Aniya, ang Pilipinas ay magsisilbing mahalagang bahagi sa konstruksyon ng 21st-Century Maritime Silk Road.
Ayon sa ulat, sa nasabing porum ay tatalakayin pangunahin na, tungkol sa pagkakataong komersyal ng Tsina at Pilipinas sa mga larangang gaya ng imprastruktura, kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, kalakalan, at bagong enerhiya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |