Ipinalabas ngayong araw, Linggo, ika-26 ng Pebrero 2017, sa Sydney, nina Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australya, at dumadalaw na Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa suliraning militar, kabuhayan, kalakalan, edukasyon, at iba pang larangan.
Sinabi ni Turnbull, na mahalaga ang pagtatatag ng matibay na partnership ng Australya at Indonesya, para magkasamang harapin ng dalawang bansa ang mga hamon. Nagbigay-diin naman si Widodo sa pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa ng paggagalangan, di-pakikialam sa suliraning panloob ng isa't isa, at win-win situation.
Salin: Liu Kai