Sinabi nitong Lunes, Marso 6, 2017, ni Ramon M.Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay magiging isa sa mga pangunahing temang tatalakayin sa Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng Association Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin ngayong linggo. Aniya, bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, isusulong ng Pilipinas ang pagratipika ng sampung (10) bansang ASEAN at anim (6) na dialogue partners nito sa RCEP Talks bago ang katapusan ng kasalukuyang taon.
Napag-alamang gaganapin ang nasabing pulong sa Manila mula Miyerkules hanggang Biyernes.
Idinaos kamakailan sa Kobe, Hapon, ang ika-17 round ng RCEP Talks. Nagkaroon ng talastasan ang mga kinatawan mula sa 10 bansang ASEAN at 6 na dialogue partners nitong tulad ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at India, tungkol sa mga temang kinabibilangan ng taripa, karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), kalakalang panserbisyo, at iba pa.
Salin: Li Feng