Idinaos Marso 7, 2017 sa Maynila ang ika-28 pulong ng Joint Commission on Economy and Trade Cooperation ng Tsina at Pilipinas. Pinanguluhan ang pagtitipong ito ng mga puno ng tanggapang komersyal ng dalawang bansa na sina Zhong Shan at Ramon Lopez.
Ilang pagkakasundo at proyekto ang narating ng dalawang panig kaugnay sa ibayong pagpapalakas ng kanilang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Kabilang dito ay Chico River Pump Irrigation Project, New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project, at North-South Railway-South Line Project. Ang pondo ng nasabing mga poryekto ay manggagaling sa Tsina.
Samantala, sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng e-commerce, big data analysis, electronic na sasakyan, bakal, at iba pa.