|
||||||||
|
||
ABU SAYYAF, MATATAPOS NA SA KALAHATIAN NG TAON. Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa kanyang talumpati sa harap ng National Defense College of the Philippines kaninang umaga. Binanggit din niyang umalis kagabi sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at nakasabay sina Benito at Wilma Tiamzon at Vicente Ladlad upang magkaroon ng back-channeling at masimulang muli ang peace talks. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana na naniniwala siyang kaya ng Armed Forces of the Philippines na tapusin ang salot na dulot ng Abu Sayyaf sa huling araw ng Hunyo 2017.
Sa kanyang pagharap sa mga mag-aaral ng National Defense College of the Philippines at mga mamamahayag sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni G. Lorenzana na pawang kahihiyan ang idinulot ng Abu Sayyaf sa international community sapagkat umabot lamang sa 16 ang mga bihag ng grupo noong magsimulang mangungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong ikatatlumpu ng Hunyo 2016.
Umabot na sa 31 ang bihag ng Abu Sayyaf ngayon. Bantog ang grupong ito sa pamimirata at pagdukot sa mga Filipino at mga banyaga. May 400 katao pa ang puwersa ng Abu Sayyaf at nadagdagan na naman ang kanilang mga bihag sa pagkakadukot sa mga Vietnames na magdaragat.
Na sa Sulu ang karamihan ng mga Abu Sayyaf at mayroong ilan sa Basilan na posibleng kinaroroonan ng mga Vietnamese. Wala umanong mga Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.
Ani Secretary Lorenzana lulan ng barkong Vietnames ang sementong kailangan sa Mindanao sapagkat mas murang bumili mulasa Vietnam kaysa magdala mula sa Maynila.
Wala umanong balak ang mga Vietnames na sundin ang kanyang mungkahi na maglaan na rin ng mga sandata upang malabanan ang mga pirata sapagkat lalabag sila sa international law sa oras na armasan nila ang mga sibilyang magdaragat.
Kailangan na lamang magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng mga Filipino at mga Vietnames na magdaragat upang masabayan sila sa paglalayag tungo sa kanilang pagdadalhan ng mga kargamento. Ito rin ang kanilang mungkahi sa mga Koreanong magdaragat.
Mayroong koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia sa pagpapatrolya sa karagatan sa katimugang bahagi ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |