Ayon sa ulat kahapon, Martes, ika-21 ng Marso 2017, ng adwana ng Xiamen, lunsod ng lalawigang Fujian sa timog silangan ng Tsina, noong Enero at Pebrero ng taong ito, halos 12.5 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng lunsod na ito at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ito ay lumaki ng 22.1% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, sa mga bansang ASEAN, ang Pilipinas ay may pinakamalaking kalakalan sa Xiamen. Lumampas sa 3 bilyong yuan ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai