Nakatakdang idaos mula ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre ng taong ito, sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi Zhuang Autonomous Region ng Tsina, ang Ika-14 na China ASEAN Expo (CAEXPO).
Ipinahayag kamakailan ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAEXPO, na ang taong ito ay taon ng kooperasyong panturismo ng Tsina at ASEAN, at ang turismo ay magiging isang pokus ng kasalukuyang ekspo, kasama ng mga karaniwang pokus na kalakalan at pamumuhunan.
Sinabi rin ni Wang, na bilang tugon sa iba't ibang pangangailangan ng mga bansang ASEAN, itataguyod sa taong ito ng CAEXPO ang mga espesyal na eksibisyon sa mga bansang ASEAN, na gaya ng eksibisyon ng mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal sa Brunei, at eksibisyon ng mechatronics sa Biyetnam.
Ayon pa rin kay Wang, bilang pagkatig sa "Belt and Road" initiative, mula taong ito, aanyayahan din ang mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," bilang espesyal na katuwang, para lumahok sa CAEXPO.
Salin: Liu Kai