Nakipag-usap Marso 21, 2017 si Punong Ministro Prayut Chan-ocha ng Thailand sa dumadalaw na Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Positibo ang dalawang lider sa kahalagahang ganap na isakatuparan ang Declaration on the Conduct of the Parties in the South China Sea(DOC). Ipinangako rin nilang magsisikap para pasulungin ang pagbuo ng isang framework ng Code of Conduct in the South China Sea(COC), sa loob ng taong ito.
Nang araw ring iyon, sa isang magkasanib na preskon, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pag-asang igagalang ng ibat-ibang bansa ang malayang paglalayag at paglilipad sa tubig at himpapawid sa South China Sea(SCS). Ito aniya'y naging paunang kondisyon sa pagsasakatuparan ng kaunlarang panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Prayut na ang pagsasakatuparan ng kapayapaan, katatagan at sustenableng pag-unlad ng SCS ay hindi lamang nagiging komong mithiin ng ibat-ibang bansa sa rehiyong ito, kundi magdudulot din ng ginhawa sa mga mamamayan sa rehiyon.