Nakipagtagpo Sabado, Marso 25, 2017 sa Sydney ng Australia si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Gladys Berejiklian, Gobernador ng New South Wales (NSW) ng bansang ito.
Ipinahayag ni Li na pinasigla ng pamahalaang Tsino ang pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at NSW sa enerhiya, agrikultura, pinansiya, at siyensiya. Umaasa aniya siyang magkakaloob ang NSW ng magandang kapaligiran para sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Berejiklian na nakahanda ang NSW na palawakin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangan na gaya ng pinansiya, kalusugan, edukasyon at turismo. Aniya pa, winewelkam ang pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal ng Tsina.