Sa paanyaya ni Bill English, Punong Ministro ng New Zealand, dumating ngayong hapon, Marso 26, 2017 sa Wellington si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para isagawa ang opisyal na pagdalaw sa bansang ito.
Sa paliparan, sinabi ni Li na umaasa siyang mapapataas ang antas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at mapapalalim ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.
Sinabi pa ni Li na sa pagharap sa kasalukuyang pandaigdigang kalagayan, dapat magkasamang tutulan ng dalawang bansa ang trade protectionism at pasulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa buong daigdig.