Ipinahayag Martes, Marso 28, 2017 sa Auckland ng New Zealand ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa hinaharap, magkasamang magsisikap ang Tsina at New Zealand para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, iugnay ang mga patakaran ng pag-unlad ng kabuhayan, palawakin ang bilateral na kalakalan at pahigpitin ang pagpapalitan ng kultura.
Nang araw ring iyon, dumalo si Li at kanyang counterpart na si Bill English ng New Zealand, sa bangketeng panalubong na nilahukan ng mahigit 500 tauhan mula sa iba't ibang sektor ng bansang ito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Li na ang liberalisasyon at pagpapadali ng proseso ng pamumuhunan at kalakalan ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na pabutihin, kasama ng New Zealand, ang sistema ng pangangasiwa sa mga suliraning pangkabuhayan sa daigdig, para makinabang ang mas maraming bansa at mamamayan sa globalisasyon ng kabuhayan.