Nag-usap Marso 28, 2017, sa Auckland sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Gobernador Patsy Reddy ng New Zealand.
Ipinaabot muna ni Premyer Li kay Gobernador Reddy ang pagbati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ani Li, nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at New Zealand. Ito aniya'y hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng New Zealand para pahigpitin ang mapagkaibigang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa edukasyon, turismo, at kultura, para pasulungin ang bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Reddy ang pagtanggap sa biyahe ng mga bisitang Tsino. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon at pagbibigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa.