Sa paanyaya ni Bill English, Punong Ministro ng New Zealand, isinagawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa bansang ito mula ika-26 hanggang ika-29 ng Marso, 2017.
Sa kanyang pagdalaw sa bansang ito, nilagdaan ng Tsina at New Zealand ang isang serye ng kasunduan hinggil sa pagpapahigpit ng kanilang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, siyensiya, adwana, turismo, at isyung pandaigdig.
Sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagpapasulong ng talastasan hinggil sa pagpapataas ng lebel ng kasunduan ng malayang kalakalan, pagapahigpit ng kooperasyon hinggil sa "One Belt One Road" Initiative, at pagpapalawak ng kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang bansa ang pagkatig sa malayang kalakalan sa buong daigdig at pangangalaga sa kasalukuyang sistemang pangkalakalan.