Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina Sabado, Mayo 14, 2016, ang bolyum ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panserbisyo ng Tsina noong unang kuwarter ng taong 2016 ay lumampas sa 1.2 trilyong yuan RMB o 187.2 bilyong Dolyares na lumaki ng 23.7% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2015.
Ayon sa nasabing datos, ang bolyum ng pagluluwas ay umabot sa 428.6 bilyong yuan RMB o halos 65.7 bilyong Dolyares. Ang mga pangunahing industriya ng pagluluwas ng serbisyo ay kinabibilangan ng internet, impormasyon, advisory, management, accounting at advertisement.