Isang promotion ng paglalakbay at pag-aaral sa Beijing ang idinaos kamakailan sa Malaysia at Indonesya.
Inilahad sa nasabing pagtitipong itinataguyod ng awtoridad na panturista ng Beijing ang likas-yamang panturismo at edukasyon sa lunsod. Bukod sa mga unibersidad, mataas at elementaryang paaralan, at ibat-ibang museo, ipinakita rin nito ang mga produktong panturista na may katangiang kultural ng Beijing sa kasaysayan at kasalukuyan, na gaya ng mga natanggap na proyekto sa World Heritage List, traditional Chinese medicine, sport events at iba pa.
Ipinahayag ng nasabing awtoridad na palalawakin pa nito ang likas-yamang panturismo at edukasyon sa Beijing para umakit ng mas maraming turista at kabataan mula sa nasabing dalawang bansa.