Binuksan ng Xiamen Airlines Abril 10, 2017 ang direktang rutang panghimpapawid sa pagitan ng Quanzhou, lunsod sa lalawigang Fujian, Tsina at Cebu, kilalang lunsod na panturista ng Pilipinas.
Ang round trip flight ng nasabing ruta ay kada Lunes at Biyernes.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Julius Flores, Konsul Heneral ng Pilipinas sa Xiamen, na ang Quanzhou ay kilalang lupang tinubuan ng mga etnikong Tsino sa Pilipinas, at ang pagbubukas ng ruta ng Quanzhou at Cebu ay makakatulong sa pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.