Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Huwebes, ika-13 ng Abril 2017, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 21.8% ang kabuuang halaga ng panlabas na kalakalan ng paninda ng Tsina, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Sinabi ni Huang Songping, tagapagsalita ng naturang administrasyon, na dahil sa tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at pagbuti ng kabuhayang Tsino, lumalaki ang pangangailangan sa kapwa pamilihan ng daigdig at Tsina. Ito aniya ay pangunahing dahilan, kung bakit mabilis ang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina noong unang kuwarter.
Pero, tinukoy din niyang umiiral pa rin ang mga di-matatag na elemento sa loob at labas ng bansa. Hindi aniya kumpirmadong magpapatuloy ang mabuting tunguhin ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Liu Kai