Ipinatalastas kahapon, Lunes, ika-24 ng Abril 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-27 hanggang ika-28 ng buwang ito, dadalaw sa Kambodya si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Dagdag ni Geng, sa panahon ng pagdalaw, mangungulo si Yang, kasama ni Pangalawang Punong Ministro Hor Nam Hong ng Kambodya, sa ika-4 na pulong ng Intergovernmental Coordination Committee ng dalawang bansa.
Sinabi ni Geng, na sa nabanggit na pulong, gagawin ng dalawang panig ang pangkalahatang plano hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa iba't ibang aspekto. Umaasa aniya ang panig Tsino, na pasusulungin nito ang paglalim ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
Pulido: Mac
Web editor: Liu Kai