Magkahiwalay na kinatagpo kahapon, Biyernes, ika-28 ng Abril 2017, sa Phnom Penh, Kambodya, si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, nina Haring Norodom Sihamoni at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Binigyan ng kapwa panig ng mataas na pagtasa ang relasyong Sino-Kambodyano, at umaasa silang ibayo pang uunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong patnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Yang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Kambodya, na palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative. Patuloy aniyang magbibigay-tulong ang panig Tsino sa panig Kambodyano sa pagpapatakbo ng espesyal na sonang pangkabuhayan, konstruksyon ng imprastruktura, proyekto ng patubig, pagpapabuti ng mga pasilidad na medikal, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Hun Sen ang pananabik sa pagdalaw sa Tsina sa darating na Mayo. Sinabi niyang mahalaga ang "Belt and Road" Initiative. Ito aniya ay magpapasulong sa interkonektibidad at integrasyon ng rehiyong ito, at magdudulot ng mas maraming pagkakataon sa mga bansa sa rehiyon.
Salin: Liu Kai