Ipinahayag Mayo 2, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa pagbisita kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa barkong pandigma ng Tsina. Ito aniya'y nagpapakitang humihigpit ang pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Pilipinas.
Noong unang araw ng Mayo, 2017, bumisita si Pangulong Duterte sa barkong pandigma ng Tsina na dumaong sa Davao.
Ipinahayag ni Geng na sapul noong 2016, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Pilipinas, komprehensibong bumubuti ang bilateral na relasyong Sino-Pilipino, at nagiging mabunga ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Pinatutunayan aniya ng kasalukuyang kalagayan na ang isinasagawang mapagkaibigang pagtutulungang pangkapitbansa ay angkop sa pundamendal na interes ng dalawang bansa at mga mamamayan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas para ibayong pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon, batay sa pagpapahigpit ng tiwalang pampulitika, maayos na paglutas sa isyu ng South China Sea, at pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.