Ipinahayag Mayo 2, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa ng Association of South-East Asian Nations (ASEAN) para marating ang "Code of Conduct in the South China Sea" (COC).
Ipininid noong Abril 29, 2017 sa Pilipinas ang Ika-30 Summit ng ASEAN. Ilang komong palagay ang narating sa pulong hinggil sa pagtatatag ng integrasyon ng ASEAN. Tinalakay din ng mga kalahok ang mga isyung panrehiyong kinabibilangan ng isyu ng South China Sea(SCS).
Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng na nakikita na ang positibo at konstruktibong kalagayan sa SCS, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga may-kinalamang panig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para tupdin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea(DOC), palalimin ang pragmatikong pagtutulungan sa karagatan, at marating ang COC sa lalong madaling panahon. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyong ito.