Ipinahayag Mayo 2, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang mga may direktang kinamalang panig sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, dapat gawin ng Amerika at Hilagang Korea ang kani-kanilang pulitikal at konstruktibong desisyon at katapatan, sa lalong madaling panahon, para mapahupa ang maigting na kalagayan sa Peninsula ng Korea.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa posibleng pakikipag-usap kay Kim Jung-un, Kataas-taasang lider ng H.Korea, sa tamang kondisyon.
Sinabi ni Geng na palaging suportado ng Tsina ang negosasyon at diyalogo sa paglutas ng nasabing isyu. Ito aniya ang tanging tumpak na paraan sa pagsasakatuparan ng walang sandatang nuklear na Peninsula ng Korea, at pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.