Ipinahayag Mayo 3, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng South China Sea(SCS) ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa nakatakdang pagdaraos ng di-pormal na pag-uusap ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at Amerika, sa Washington.D.C. sa ika-4 ng Mayo, 2017. Ayon sa ulat, ang isyu ng SCS ang magiging isa sa mga paksa ng nasabing pagtitipon.
Ipinahayag ni Geng na ang isyu ng SCS ay nagsisilbing suliranin sa pagitan ng Tsina at ilang mga bansang ASEAN, sa halip ng Tsina at buong ASEAN, Tsina at Amerika, at ASEAN at Amerika. Aniya, sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang kalagayan ng South China Sea, batay sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN. Umaasa aniya ang Tsina na magbibigay-galang ang mga panig na walang direktang kinalaman sa pagsisikap ng mga kasangkot na panig, sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyong ito.