Idinaos kahapon, Sabado, ika-6 ng Mayo 2017, sa Yokohama, Hapon, ang ika-6 na diyalogo ng mga ministrong pinansyal ng Tsina at Hapon. Nangulo sa diyalogo si Ministrong Pinansyal Taro Aso ng Hapon, at ang kanyang counterpart na Tsino na si Xiao Jie.
Ipinalalagay ng kapwa panig, na ang naturang diyalogo ay makakatulong sa pagkokoordina ng Tsina at Hapon hinggil sa kalagayan at mga patakaran ng makro-ekonomiya ng dalawang bansa.
Dagdag nila, dapat palalimin ang bilateral na kooperasyong pinansyal, pataasin ang lebel ng kooperasyong ito, at bigyang-suporta ang kooperasyon ng Tsina at Hapon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan.
Positibo rin ang dalawang panig sa mga natamong bunga sa katatapos na pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng ASEAN plus Tsina, Hapon, at Timog Korea, at parehong pulong sa pagitan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Salin: Liu Kai