Kuala Lumpur — Ipinatalastas nitong Huwebes, Oktubre 27, 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, ang pagtatatag ng isang National Special Action Force na binubuo ng militar, royal Malaysian police, at maritime law enforcement agency ng bansa. Layon nitong harapin ang hamon mula sa terorismo.
Tinukoy ni Najib na kung mahaharap ang kanyang bansa sa anumang teroristikong pananalakay o kaukulang problema, hindi ito magdadalawang-isip na ipadala ang nasabing special force. Aniya, ang tanging tungkulin ng tropang ito ay igarantiya ang seguridad ng mga mamamayan at bansa.
Salin: Li Feng