Binuksan kahapon, Lunes, ika-8 ng Mayo 2017, sa Manila, ang ika-18 round ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, nanawagan si Ramon Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, para pabilisin ang talastasan hinggil sa RCEP, at matamo ang substansyal na progreso bago ang katapusan ng taong ito.
Sinabi ni Lopez, na habang binubuo ang RCEP, dapat isaalang-alang ang kalagayan ng pag-unlad ng iba't ibang kalahok na panig, kaya mahalaga ang talastasan.
Aniya, sa pamamagitan ng nagdaang 17 round ng talastasan, natapos na ang ilang bahagi ng kasunduan hinggil sa mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal, kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, at kompetisyon.
Dagdag ni Lopez, sa ilalim ng kalagayang lumalala ang trade protectionism sa ilang lugar ng daigdig, dapat pag-ibayuhin ang pagsisikap para sa talastasan hinggil sa RCEP. Ang RCEP aniya ay makakatulong sa integrasyong pampamilihan, at pagiging kaakit-akit at kompetitibo ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai