Miyerkules, Mayo 10, 2017, inilabas ng Tsina ang isang detalyadong explanatory document hinggil sa Belt and Road Initiative.
Ang nasabing dokumentong pinamagatang "Jointly Build the Belt and Road: Ideas, Practices and Chinese Contributions" ay sinulat, sa ilalim ng pag-oorganisa ng Leading Group on the Construction of the Belt and Road. Naglalayon itong palaganapin ang pagkaunawa sa Belt and Road Initiative, ilahad ang mga natamong bunga, at palakasin ang estratehikong pag-uunawaan, diyalogo at kooperasyon ng mga bansa.
Bukod sa introduksyon at konklusyon, may limang chapter ang nasabing dokumento, hinggil sa blueprint, balangkas ng kooperasyon, mga larangan ng kooperasyon, mekanismo, at ekspektasyon sa kooperasyon sa hinaharap ng Belt and Road Initiative.
Itataguyod ng Tsina ang Belt and Road Forum for International Cooperation mula ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo.
Salin: Vera