Ipinahayag Mayo 10, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, nakatakdang dumalaw sa Tsina si Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya, mula Mayo 13-17, 2017.
Ipinahayag ni Geng na sa pananatili sa Tsina, makikipag-usap kay Hun Sen ang mga lider Tsino na kinabibilangan nina Pangulo Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, Tagapangulo Zhang Dejiang ng NPC, at Tagapangulo Yu Zhengsheng ng CPPCC. Samantala, nakatakdang dumalo aniya si Punong Ministro Hun Sen sa Belt and Road Forum for International Cooperation, at Porum ng Tsina at Kambodya sa Komersyo at Turismo. Ani Geng, nananalig ang Tsina na ibayong patitibayin ng biyaheng ito ng lider Kambodyano ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at susulong din ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.