|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin ng mga mamamahayag ng China Radio International (CRI), sa okasyon ng pagdaraos ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) sa Beijing, magkakasunod na ipinaliwanag ng mga embahador ng mga bansang ASEAN sa Tsina ang "Belt and Road" sa kanilang pananaw at kanilang pagkaunawa sa Silk Road Spirit sa pamamagitan ng mga kasabihan ng kani-kanilang bansa.
Sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ang salawikaing Pilipino na malapit sa kanyang puso ay "Matibay ang walis, palibhasa magkabigkis." Ito aniya ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa.
Binanggit naman nina Piriya Khempon, Embahador ng Thailand sa Tsina, at Soegeng Rahardjo, Embahador ng Indonesia sa Tsina, ang kanilang gustong katulad na kasabihang nakasaad na "magiging malakas kung magkakaisa."
Ginamit ni Embahador Vanhdee Boudthasavong ng Laos ang isang Lao salawikaing "Hindi puwedeng itayo ang bakod sa pamamagitan ng iisang kahoy lamang at hindi kayang itayo ang isang nayon sa pagsisikap ng iisang tao lamang." Aniya, tulad ng inisyatibo ng "Belt and Road," kundi magkakasamang magpupunyagi ang lahat ng kalahok na bansa, saka lamang matatamo ang komong kasaganaan.
Ipinahayag din ni Khek Caimealy Sisoda, Embahador ng Cambodia sa Tsina, na ang isang kanyang gustong kabisahan ay "Uunlad ang anumang lugar kung mayroong lansangan doon." Aniya, binibigyan ng Tsina ng maraming tulong ang Cambodia na gaya ng pagtatayo ng tulay, lansangan, paaralan, ospital, bagay na nagpapasulong ng pag-unlad ng kanyang bansa.
Sinipi ni Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, ang isang tulang gawa ng dating lider na si Ho Chi Minh bilang pagbati sa tagumpay ng BRF. Umaasa rin siyang mapapalakas ng mga mamamayan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road ang kanilang pagkakaisa at pagtutulungan upang makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlarang panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |