Miyerkules, Mayo 17, 2017, dumalo si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa seremonya ng pagsasaoperasyon ng "Sentrong Komersyal ng Kambodya sa Xi'an."
Ipagkakaloob ng Ministri ng Komersyo ng Kambodya ang suportang teknikal sa nasabing sentrong komersyal. Kabilang sa mga suportang ipagkakaloob ay sample, kinauukulang dokumento at materyal ng pamahalaan, at mga impormasyong may kinalaman sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo, kultura at iba pa.
Sinabi ni Hun Sen na ang naturang sentro ay isa pang mahalagang organo ng kanyang bansa sa Xi'an, bukod sa konsulada heneral. Aniya, sa hinaharap, batay sa organong ito, isasagawa ng kapuwa panig ang mas marami at mahalagang kooperasyon sa mga larangang gaya ng turismong pangkultura, pangangalaga sa mga sinaunang lunsod, agrikultura at iba pa.
Mahaba ang kasaysayan ng Lalawigang Shaanxi, at ang punong lunsod nito na Xi'an ay kilalang kabisera noong sinaunang panahon.
Salin: Vera