Linggo, ika-21 ng Mayo, 2017, sa Phnom Penh International Airport, sinalubong ng mga mataas na opisyal na pinamumunuan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang mga kabaong ng 4 na martir na nasawi sa aksyong pamayapa. Nagpahayag si Hun ng kanyang pakikidalamhati sa mga nasawi at kanilang mga kamag-anakan. Ipinangako rin niya ang pagtatatag ng determinasyon ng kanyang bansa sa pagsali sa makataong obligasyon ng tropang pamayapa ng United Nations (UN).
Noong gabi ng Mayo 8, bumalik sa base ang isang tropa ng mga inhinyero na binuo ng 12 miyembrong pamayapa ng Kambodya, sa ilalim ng pangangalaga ng tropa ng Morocco. Habang dumadaan ito sa Yogofongo, isang nayon sa lokalidad, sinalakay sila ng mga rebeldeng lokal, at 4 na sundalong Kambodyano ang nasawi.
Salin: Vera