Mula ika-21 hanggang ika-22 ng Mayo, idinaos ang Pulong Ministeryal ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa Hanoi, Biyetnam na dinaluhan ng mga ministrong pangkabuhaya't pangkalakalan ng 10 bansang ASEAN, na pangunahing trade partner nito na kinabibilangan ng Tsina, Australya, Indya, Hapon, Timog Korea at New Zealand at mga kinatawan mula sa organisasyong pandaigdig.
Ipinalalagay ng mga kalahok na ang pagtatatag ng mekanismo ng pagpapalitan at pag-uugnay sa iba't ibang antas at iba't ibang direksyon ay lubos na nagpapakita ng kasiglahan at kaunlaran ng rehiyon, pero, kailangan ang mabisang koordinasyon ng mga mekanismo para magdulot ng mas maraming aktuwal na kapakanan at interes sa mga mamamayan at kompanya sa rehiyon.
Ipinahayag naman ni Zhong Shan, Ministrong Komersyal ng Tsina na ang talastasan ng RCEP ay talastasan ng malayang sonang pangkalakalan na sumasaklaw ng pinakamalaking populasyon, pinakamalawakang lugar at pinakamaraming kasapi. Para mapabilis ang buong proseso ng talastasan, umaasa ang panig Tsino na magpapakita ang mga kasapi ng RCEP ng mas malaking pleksibilidad at tatapusin ang aktuwal na talastasan sa loob ng taong ito.