Kinatagpo Mayo 25, 2017 sa Kremlin ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Ipinahayag ni Pangulong Putin ang pagbati sa tagumpay na natamo ng katatapos na Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing, at pananambik sa nakatakdang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya, sa lalong madaling panahon. Aniya, bilang matalik na estratehikong magkatuwang, nananatiling mainam ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan. Aniya, sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang kalagayang pangkabuhayan ng Rusya. Inaasahan aniya niyang hihigpit ang pragmatikong pakikipagtulungan ng Rusya sa Tsina, para lumikha ng mas magandang kondisyon sa pagpapalawak ng pagtutulungan ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Wang na bilang estratehikong magkatuwang, palaging may-tiwala sa isa't-isa at nagtutulungan ang Tsina at Rusya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya para patuloy na palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, ibayong palawakin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at palalimin ang komong interes ng dalawang panig.