|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos sa White House, sinabi ni Trump na di-paborable sa Amerika ang Paris Agreement, pero makikinabang dito ang ibang bansa. Aniya, sisimulan ng Amerika ang bagong talastasan, para marating ang isang kasunduang may pantay na trato sa bansa.
Ang posisyong ito ni Trump ay malawak na tinututulan sa loob at labas ng Amerika.
Sinabi ni dating Pangulong Barack Obama ng Amerika, na dahil sa desisyong ito, humanay ang Amerika sa iilang bansang umaayaw sa bagong bukas. Sinabi naman sa Twitter ng alkalde ng Pittsburgh, Amerika, na patuloy na susundin ng kanyang lunsod ang Paris Agreement.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations ang pagkalungkot sa naturang desisyon ni Trump. Ito aniya ay negatibo sa pagsisikap ng buong daigdig, para mabawasan ang emisyon ng greenhouse gas, at mapasulong ang pandaigdig na kaligtasan.
Ipinahayag naman ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakasaad sa Paris Agreement ang pinakamalawak na komong palagay ng komunidad ng daigdig hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima, bilang isang pandaigdig na hamon. Dapat aniyang magkakasamang pangalagaan ng iba't ibang panig ang bungang ito, at pasulungin ang mabisang pagpapatupad ng kasunduan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |